Hindi lahat ng graduate ng IT ay automatikong dapat kilalaning Programmer.
Karaniwan kasi na pag sinabi mong isa kang IT ay alam mo na kung paano patakbuhin ang kung ano ano sa computer, hindi laging marunong gumawa ng website ang IT graduate dahil mayroon talagang iba na nagpapakadalubhasa sa larangan ng sining samantalang ang iba naman ay umuunlad sa teknikal na aspeto ng pagiging isang Developer.
Para sa mga nagtatanong magkaiba ang Graphic Designer/Artist at Programmer.
Marami ang nalilito kung ano nga ba ang pinagkaiba ng Graphic Artist sa pagiging Programmer. Ganito kasi yan.
Ihahalintulad natin ang relasyon ng Graphic Artist (GA) at Programmer (PR) sa Pasyente (P) at Doktor (DR).
Kapag nagpunta ang Pasyente sa Doktor upang ipatingin ang kanyang sakit natural mente hindi alam ni Pasyente ang sanhi ng nararamdaman nya kumbaga ignorante sya at kelangan niya lang ng solusyon para gumaling ang kanyang karamdaman. Sa parte naman ng Doktor ay marami siyang teknikal na pamamaraan upang malaman ang sakit at malunasan ito siya ang gagawa ng mga teknik upang tuluyan nang gumaling ang Pasyente.
Ngayon, ihalintulad natin sa GA at PR ang sitwasyon.
Ang GA ang siyang lumilikha ng disenyo upang maging presentable o maipahayag ang mensahe sa publiko. Karaniwang ginagawa nilang bumuo mula sa mga bagay bagay na maaring kumuha ng atensyon ng isang tao upang maipahayag ang kanilang nais. Halimbawa ay mga brochure,business card, banner, magazine,newsletter, logo at kung ano ano pang may kinalaman sa imahe na ipinalalabas ng isang produkto o advertisement Ang programmer naman ang nagiging daan upang maisakatuparan ang pagpapahayag o pagdidisplay ng obra ni GA sa mas nakakarami sa pamamagitan ng paglalagay nito sa Internet o sa mga binuong software. (Software ang tawag sa mga iniinstall na program sa PC). Upang magawa ito kinakailangan ng programmer na bumuo ng tinatawag na source code o salitang naiintindihan nang computer upang mapatakbo ang programa. Ang programmer ay kilala sa tawag na developer. Web Developer o kaya ay Software Engineer.
Hindi lahat ng Graphic Artist ay kinakailangan marunong magprogram o magcode dahil hindi naman talaga ito ang sakop ng kanilang trabaho. Gayunpaman hindi lahat ng magaling magprogram ay may talento sa pagpapaganda o pagbibihis ng kanyang proyekto. Kumbaga magkaibang personalidad ang sakop nang mga naturang trabaho. Sa personal na pananaw mahirap maging programmer pero kung nasa hilig at interest naman ito ay nagiging madali gayun din sa pagdidisenyo. Karaniwang hindi inirerekomenda na pagsabaying aralin ang dalawang ito dahil paniguradong para ka nang nagsabit ng bomba sa sariling mong katawan. Magkaibang kasi ang atake na ginagamit ng GA at PR.
Oo, maganda nga na parehong may kaalaman sa pagdidisenyo at sa pagcocode upang maipamahagi ang informasyon o mensahe sa mas nakakarami ngunit hindi ba mas maganda ang tiyak na kasanayan sa kung saan sa tingin mo mas magiging komportable at uunlad ka bilang isang profesyunal.
Sana ay nabigyan ng linaw ang pagkakaiba ng graphic artist at programmer upang maiwasan ang kalituhan sa mga nais kumuha ng mga nabangit na kurso. :)
No comments:
Post a Comment