Ang libro na isinulat ni Allan Navarra na may pamagat na Girl Trouble ay mabenta. Nakakaakit ang kulay matingkad na tangerine na pabalat na may guhit ng puso at sa loob ng pusong ito ay may napaloob na blade na pangtastas ng tahi o kaya minsan panlaslas ng mga sawi. Dalawang beses ko binalak bilhin ang libro nacurious kasi ako kung bakit may nakalagay na babala ng Parental Guidance Explicit Content sa kanyang pabalat. (baka may larawang sekswal kaya ganon) Ang paunang panulat ay ginawa ng batikang direktor na si Peque Gallaga, isa pang rason kung bakit gusto kong bilhin pero wala pa akong pera maghihintay lang muna ako mag sale.
(Isang araw may pera na at nagsale ang isang mall sa Makati, Dumiretso sa bookstore para bumili ng canvas at pintura)
pero iba ang nakita.
Uy sale na to! sa wakas mabibili ko na rin...
tsaran!
Lahat nang nakasulat sa librong ito ay may bahid ng pagka artistik nang manunulat. Karamihan ng kwento ay nakasulat sa wikang malulupit na ingles. Paminsan ay may kagatlabing pagmumura pa. Malutong ang mensahena hinaluan nang sabaw na paalala na nakasulat sa pamamagitan ng malalaking letra. Parang nagsusumigaw ang mga salita. Ramdam ang pait at ang katotohan. Tungkol sa pagibig ng isang lalaki na nagngangalang Robin. Hindi rin maikakaila ang mga hinanakit na dulot ng pagibig. Perpektong paksa ng libro ang isang babae, may pangalan man o wala, na binigyan ng mahusay na karakter upang maisabuhay ang bawat romantikong litanya ng bida.
Marami ring mga larawan na nagsisimbolo sa emosyong nakagapos sa mga masasakit na salita o pangyayari na ikinukwento ng aklat. Sa umpisa ng bawat kapitulo ay may listahan ng mga kanta na maari mong pakinggan bago simulan ang pagbabasa ng panibagong kabanata. Kumpleto sa sangkap at higit sa lahat ay kakaiba ang atake ni Gng. Navarra sa pagkuha ng atensyon ng mambabasa.
Mahusay.
Tiyak na maiibigan ng mga kalalakihang todo romantiko, gayunpaman maiging basahin rin ng mga kababaihan. At hindi lang tungkol sa usapang puso ang meron dito, may ilang beses ring iniukit ang sistema ng lipunang ginagalawan ng tao. Naging daan ang pagkamalikhain ng manunulat upang mabigyang halaga ang mga mantsang pilit iwinawaglit sa isipan.
Bibigyan ko ng limang bituin ang librong ito.
No comments:
Post a Comment