Friday, March 12, 2010

Ang tagasubaybay

Walang pipigil sakin mag dikit ng kung ano ano sa tumblr ko kahit pa malagasan ako ng isang tagasubaybay.

Oo nabawasan ng isa kanina. Asar talaga kasi tatlo lang sila dati ngayon dalawa nalang sabagay ayos lang hindi naman titigil mundo dahil lang dahil lang sa kanya e ano ngayon kung hindi na siya sumusubaybay sa pahina ko nawalan din naman siya ng tagasubaybay.

Sayang gustong gusto ko pa naman ang mga kuha niyang litrato kaya ko siya sinubaybayan.

Sabi nga iba ang mga tagasubaybay ay dapat mong ingatan kung ayaw mong mawala sila sayo pero minsan anong magagawa mo kung talagang nagsasawa na silang basahin ang talasulatan mo diba?

Hay...

No comments:

Post a Comment