Thursday, March 4, 2010

Senyales

Dumating ang araw na hilong hilo ako sa kakaisip kung ano na ba ang gagawin ko,
hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyon ko o hindi basta ang alam ko nang araw na yon kelangan ko ng isang matinding sagot.

at dumating na nga ang sagot ng di ko inaasahan ng araw na iyon din sa pamamaraan ng isang pahina na pagmamayari ni elleine. (pahinako.blogspot.com) Makikita sa larawan ang sinasabing kasagutan sa aking pananaghoy mistula bang swak na swak pa talaga dahil nakasama rin yung kantang Smile ni Charlie Chaplin. Ang tinutukoy ko ay yung nakikita mong numero at yung salita sa ilalim nito.



Sa dinami dami naman kasi ng numero akalain mong yung numero pang yon ang natapat sa akin, saktong may malaking kinalaman iyon sa isang isyung pinagsasapantahan ko na nangangailangan ng matinding desisyon at malawak na pangunawa. At dahil nga mejo mabigat ang iniisip ko eh sinabayan pa nga ng lyriko ng Chaplin, hindi ko tuloy malaman kung sinasadya o nagkataon lang ba ang pangyayaring iyon.

Ang bilis ng sagot ni Bro, salamat din naman kay Elleine at naging instrumento ang kanyang talasulatan upang maiparating ni Bro sakin ang sagot.

(Nagkaroon lamang ako ng kaunting problema dahil hindi ko mahanap ang kontak address nitong si Elleine upang makapagpasalamat kayat naisipan ko na magcommento sa isang post niya.)

1 comment:

  1. yeabah! :)
    wala yun. maraming salamat din dahil nabanggit mo pa ako dito.
    Natutuwa naman ako at napadpad ka sa blog ko.

    Naglalagay talaga ako ng mga lyrics ng mga kantang trip ko kapag nagpopost ako.

    sana nakatulong iyon sa'yo.
    Anyway, comment ka lang o kaya mag-drop ka ng message sa formspring ko kung may gusto kang sabihin.

    Maraming salamat ulit at ingat palagi. Ü

    ReplyDelete