Saturday, August 14, 2010

Kwentong ipinagpaliban

naalala kita na
nangangatog ang tuhod nanlalamig ang mga kamay nagpapawis ang kili kili
namumutla ang mga labi
nanghihinang boses
nangingilid na mga luha
at
napanis na ang laway ko
bago mo pa masabing
mahal na kita
-
nakita mo ba ang
status ko
lahat ng yan
tungkol sayo.
-
aminin man natin
o hindi
alam nating
tapos na ang panaginip
-
mainit na sa pilipinas
pati ba naman
ako ay pag iinitin mo pa
-
gusto ko na ang arts
mahal ko na nga ang kamera
araw araw na kong nagffb
masubaybayan ko lang ang trip mo ako ba? kelan mo matitripan?
-
sasali ako sa kontest
pero di ko alam ang premyo
gusto ko lang magpasikat
malay ko ikaw pala ang
premyo ko
-
demokratiko ang bansa natin pero bakit ganun, di ko pwde ipagsigawan na mahal kita.
-
puro nalang badnews wala na bang gudnews?
-
basta palpak laging gobyerno ang nasisisi hindi ba dapat sisihin din ang mga pasaway na mamamayan?
-
nagpapanggap na manunulat.
-
nagpapanggap na nagmamahal.
-
nagpapangap na minamahal.
-
nagpapanggap na nadala ng magmahal.
-
kaya ka naloko dahil nagpaloko ka.
-
isang sorry lang bumibigay ka naman agad.
-
gobyerno nanaman ang sisisihin mo, e kasalanan mo namang nagpagamit ka.
-
dahilan lang na may
mahal syang iba
dahil kung talagang gusto ka nya di ka nya pahihirapan pa
-
ayoko na magsulat ng love stories boring ang kwento ng dalawang taong di naman magkakatuluyan
-

No comments:

Post a Comment