Saturday, August 21, 2010

Source Code Dyslexia

Ang aga ko nagdesign tapos nung nagtransfer na ko nang code sa multiply ayaw gumana.
Hindi ko alam kung ayaw lang talaga tumino ng CSS ng Multiply o ako ba yung may mali sa codings ko kahit na paulit ulit ulit ko namang chineck at tama naman ang codes. Naiimbyerna lang ako sa twing gagawa ako tas di naman gumana ng maayos pag nilipat na sa multiply.

Napaka simple lang naman ng codes pero para akong tinatamaan ng dyslexia sa twing makakakita ako ng sangkaterbang codes. Parang bigla ko nalang makakalimutan lahat ng binabasa ako. Feeling ko walang sense.

In short hindi masaya.

Pero shempre kelangang gawin at gawin ulit kahit paulit ulit ayaw gumana ng tama.

Buset lang talaga kasi ang hirap na nga magconceptualize tapos hindi pa makikisama yung mga codes ang sarap ibato ng PC. Bwiset lang talaga.

No comments:

Post a Comment