Saturday, February 20, 2010
Isang libong sisi
E ano ngayon kung magboto tayo ng bagong pangulo? Kahit siguro isang libong beses pa magpalit ng pangulo hindi na mawawala ang kahirapan sa pilipinas. Hindi lang dahil sa mga kurakot na opisyal kundi dahil narin sa walang pakialam nating ugali. Walang pakialam basta may makain lang dahil kapag wala isang libong sisi sa gobyerno lang ang katapat. Walang pakialam basta may makita lang na ginagawang proyekto sa kalsada agad awtomatikong sasabihin na galing sa pera ng bayan yan pero nalaman mo ba kung tamang halaga ba ang inilabas para sa proyektong tayo rin ang makikinabang. Kahit isang libong beses ka pa mag rally e kung iyong ipinagrarally mo e tahimik ka nalang gumawa ng aksyon kesa humarang ka pa sa daan na naging dahilan ng trapik at isang libong umiinit na ulo. Tao rin lang ang mga pulitikong inululoklok natin sa pwesto, kagaya natin pwdeng pwde din silang makatulong at makasira sa bayan. Lalung pwede din silang hindi magbayad ng buwis o kaya'y mangipit nang iba. Bakit hindi mo kaya subukang itanong ng isang libong beses sa sarili mo kung may nagawa ka na ba para maibangon ang pilipinas?.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment