Ilang buwan bago ang eleksyon wala parin akong napupusuang kandidato para sa pagkapangulo, nagugulumihanan parin ako kung sino nga ba ang karapat dapat kong iluklok sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Wala parin kasi akong platapormang nakikitang makapagiibsan ng kahirapan ng ating bansa at makapagdidisiplina sa mga mamamayan. Sa pagtagal at sa dami ng kandidatong nagaambisyon ng posisyon bilang president ay lumitaw na dadalawa na lamang ang matinding nagsasagupa para sa isa kong boto. Ang presidentiables na sina Gibo at Gordon.
Naging pabor ako sa kandidatura noon ni Noynoy Aquino ngunit ng tumagal ay napagtanto kong hindi sapat ang batayan na bayani ng demokrasya ang kaniyang mga magulang upang siya ang magkamit ng matamis na boto ko sapagkat hindi naman sila ang uupo sa palasyo kung sakali mang manalo ang kanilang anak. Kung kaya naman gumawa ako ng isang listahan kung saan isinulat ko kung ano ano nga ba ang kinakailangan ng isang kandidato upang siya ang aking iboto. Narito ang aking mga naisulat.
Kwalipikasyon ng kwalipikadong pangulo:
May talino upang maiharap ng naaayon ang ating bansa sa mga iternasyonal na pagpupulong.
May bakal na kamay sa pagpatupad ng batas at walang kinikilingang kahit na sinong angkan.
Mahusay humanap ng mga alternatibong pamamaraan.
Presentable at mahusay ang pakikitungo at pagsagot sa mga mapagusisang media.
May experiyensya sa serbisyo publiko at pamamalakad ng isang departamento.
Marunong rumespeto at marunong tumanaw ng loyalidad.
Hindi ginagamit na paksa ang pagsugpo sa korapsyon dahil alam nitong hindi basta basta lamang makukuha sa pangako ang pagpuksa sa nakasanayang kaugaliang ito.
Hindi marunong mangako ngunit marunong gumawa ng aksyon.
Higit sa lahat ay hindi umaasa lamang sa popularidad kundi tunay na lakas ng loob sa pagharap sa hamon na malampasan ang problema ng bansa.
Ito ang mga kwalipikasyong aking hinahap na sanay hanggang sa araw ng botohan ay makita ko sa kandidatong bibulugan ko sa balota. Ngunit sanay hindi matapos ang mga kwalipikasyong ito pagkatapos ng eleksyon kundi magpatuloy pa hanggang sa maisagawa ang pagpapatupad ng mga batas na magpapaunlad sa ating pinakamamahal na bayan. Nang sa gayon ay hindi naman malubog kasama ng malalaking alon ang mapa ng pilipinas sa mundo.
No comments:
Post a Comment