Oo malaya kang magpahayag ng kahit anong saloobin mo, pero hindi ibig sabihin noon ay malaya kang makapanakit ng pagkatao ng iba. Hindi dahil alam mong kaya mong sabayan ang bawat biro ay pwede mo nang diretsahang biruin ang kaharap mo nang hindi mo man lang naiisip na pwedeng siyang masaktan ng mapagbirong biro mo dahil mailap ang buhay para sa kanya.
Kahit magsuot ka pa ng maraming maskara hindi nito kayang ikubli na sa bawat pagtatapos ng mapagpanggap mong ngiti ay isang dam ng luha ang nawawala sa iyong mga mata dahil sa mga kalungkutan at problemang di mo masabi, suliraning para sa iba ay napakasimple ngunit sa iyo at napaka kumplikado, wala rin namang salitang makakasakit kung bawat letra ay pinagiisipan pero ang totoo dun madaling sabihin ang mga bagay na ito pero mas madali yatang gawin na maging prangka di bale ng may masagasaan wag lang matamaan ang pinakaiingatan mong pride.
Si Estrella, masasakitin, pangalawa sa bunso sa kanilang pamilya, pinipilit maging matatag at maging malakas nilalabanan ang bawat kalungkutan na pilit ibinabalik ng alaala ng kanyang lumipas na kabataan. Nais niyang tulungan ang sarili kahit pa alam niyang kailangan niya itong gawin ng nagiisa. Kahit buo pa ang kanyang pamilya magisa lang siyang gumagalaw sa napakalaking mundo ng mga normal na tao habang pinagtatagumpayan namang lamunin ng kahinaan ng loob ang mahina narin niyan puso.
Nakahanap ng karamay ang ating bida sa pamamagitan ng pagsulat, inasam na sa bawat likidong salita na dumadaloy sa marupok na papel ay mapupunit nito ang kabirhenan ng mga taong ni hindi yata nalalaman ang salitang "masakit". Tunay nga ba siyang mahina o sadyang madali lamang mapasok ng mala asidong pananalita ang kanyang wasak ng puso?
Narito ang bahagyang pananalita na naisaad ni Estrella sa kanyang talasulatan.
Makasalan man ang mata ngunit mas nakakalulungkot na isipin
Na kung ano pang ang siyang hindi nakikita
Ay sadyang kay tulis kapag pinakikiramdaman
Di mo man wikain
Batong sarado lamang naman ang manhid
Tiyak na malalasahan nitong aking puso
Na kailan man pagtanggap sa aking pagkatao
Ay puyos at hilaw lamang
Malalim ang hinuhugot na sugat ng ating bida na tila kay hirap nang sukulin, ano nga kaya ito na isang malaking sugat na walang paghihilom. Magiging maayos pa ba ang lahat para kay Estrella...
No comments:
Post a Comment