Ilang araw nang tuloy tuloy kong nararanasan ang pagbalik ng vertigo ko. Para dun sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ba ang vertigo eto yung pakiramdam na umiikot ang iyong kapaligiran kahit pa nakatayo o nakaupo ka lang yung akala mo eh lumilindol pero ikaw lang pala ang nakakaramdam nun kasi inaatake ka ng vertigo. Sa aking pagsasaliksik ang vertigo ay nangyayari kapag nagkakaroon ng problema ang loob ng tenga (inner ear) kapag hindi balanse ang likido nito. Gayunpaman natatadaan ko na nagkaroon ako ng inpeksyon sa tenga nung bata ako na maaring naging dahilan nang pagkakaroon ko ng problema sa pagbalanse.
Ang hirap kayang magkaroon ng vertigo wala kasing pasabi kapag aatake ito ultimo sa pagtatype lang eh bigla nalang ako aatakihin. At pag anjan na wala kang magagawa kundi tumigil sa ginagawa dahil para kang mahuhulog sa sobrang kahilohan. Naalala ko nung unang beses ako inatake nun hindi talaga ako makatayo at akala ko ordinaryong hilo lang yung nararamdaman ko kaya inihiga ko tapos mga ilang minuto makalipas bigla nalang siyang nawala na parang walang nangyari balik na ulit sa normal.
Masasabi kong mas tolerable yung mga oras na nagsisimula palang magpakilala sakin yung vertigo ko mga ilang taon na ang nakakaraan bakasyon at napakainit, nakaharap ako sa pc at prestong nagiinternet nang bigla itong umatake, mga 1 minuto na ang pinakamatagal at hindi masyadong madalas kung tamaan ako nito parang sa isang buwan isang beses lang.
Pero after almost 4 years mula nung unang atake nito lang ulit ako inatake at mas madalas na mas matagal pa. Hindi na nga siya basta atake lang dahil may pagkakataong hindi ako pwedeng kumilos ng bigla pag umaatake ito halimbawa nakahiga ako at tatayo ako, kelangan ko ng matinding bwelo o hintayin kong mawala bago ako makatayo. O kaya para mawala agad kelangan ko bumaluktot sa kama at hawakan ang ulo ko na parang malalaglag swerte na kung biglang mawawala yun pero madalas tumatagal na hanggang 2-3 minuto.
Hinding hindi ko rin malilimutan na may isang maghapon na apat na beses akong inatake nun at palakas ng palakas, wala na akong nagawa kundi i iyak nalang dahil sobrang bigat narin ng ulo ko ng mga oras na yon. Humiga ako at pumuwestong parang sanggol sa sinapupunan dahil hindi ako makagalaw kahit anong ingat ko sa paggalaw ay hindi umuukol dahil parang alon sa lakas kung rumagasa ang pag atake ng vertigo nang gabing iyon. Nangamba ako na baka isang beses habang naliligo ako eh bigla akong atakihin ng vertigo kaya kahit anong tagal ang gusto kong iligo ay hindi ko magawa lalo pat alam kong bumalik na muli ang mga pag atake.
Ilang beses na akong naghanap ng madaliang solusyon sa problemang ito nang hindi kekelanganin ng gamot. Nung una ang nakalap ko ay ang bawasan ang pagkain ng mga maalat, hindi naman talaga ako mahilig sa maalat nung nagumpisa akong atakihin kaya walang problema sakin yon. Masasabi kong nakatulong nga ang pagbabawas ng mga pagkaing maaalat dahil nabawasan ang dalas ng pagatake noon hanggang sa unti unting nawala pero shempre hindi ko talaga masasabing epektib yun dahil hanggang ngayon ay binalikan pa ako ng vertigo. Nang magbasa naman ako sa mga pampublikong komunidad o forums ay nabanggit ang gamot na Serc isang uri ng gamot na sumasalungat sa epekto ng vertigo. Hindi ko pa ito nasusubukang gamitin kaya wala pa akong maisusulat na karanasan sa pag inom ng nasabing gamot. Sa mga susunod na araw kapag patuloy parin ang pag atake ng vertigo ay pagsisikapan kong humanap ng magaling na doktor na titingin at mag bibigay nang makabuluhang payo na maari kong gawin upang tuluyan na akong iwan ng vertigo.
Hanggang sa muli babalitaan ko nalamang kayo kapag may bagong balita na. ;)
No comments:
Post a Comment