Kapag malungkot ka hindi mailalathala sa dyaryo ang kalungkutan mo, kapag nasira ang puso mo hindi ka rin kayang isalba ng mga mahal mo at sa totoo lang kahit ilang beses ka pa nilang sabihang di ka nila iiwan madali lang din ang iwan ka. Ikaw? Alam mo ba kung pano ang magalala? Alam mo bang dahil sinanay mo ako na wala ka ay hindi ko na maibalik yung dating tiwala ko? Akala ko ba dyan ka lang eh bakit mag isa ako ngayon?
Minsan gusto ko nang maglagay nang panawagan sa dyaryo o kaya sa facebook baka sakaling maalala mo kung ano o sino ka sa buhay ko pero naalala ko hindi ka nga pala nagbabasa ng dyaryo ni hindi ka nga nagfafacebook. Malamang wala kang pakialam dahil hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko sa twing itetext kita tapos hindi ka magrereply.
Pinakomplikado pa dahil gusto kong magbago ka dahil hindi ako masanay sanay na miserable ka. Leche! alam mo ba kung gano kahirap balansehin yun?
Hindi ko maintindihan kung pa asa ka lang talaga o talagang pinipilit ko lang eh. Okay naman na ako eh nakalimutan ko na ngang minsan halos mamatay ako makita ko lang ang litrato mo na nakangiti kasama ng iba samantalang ako hanggang sa likod mo nalang. Hindi na ako nagrereklamo sayo kasi alam kong wala ka narin namang reaksyon, makikinig ka lang pero pakiramdam ko nagsalita lang ako sa pader. Leche talaga.
Sabi mo mahal mo ko bakit ang layo mo?
Mas gusto mo pang mawala ka nalang sabagay diyan ka magaling makasarili ka kasi eh wala ka nang pakialam sa iba basta maalwan ang salwal mo. Sabi mo masaya ka eh bakit pag titingnan kita kulang nalang bigla mo kong yakapin dahil sobrang sakit nang nararamdaman mo? May sakit ka bang di mo masabi sakin twing sasabihin kong kumain ka mamaya nalang lagi ang sagot mo badtrip nawawala ang pagmamahal ko sayo dahil di mo kayang alagaan ang sarili mo. Nung huli kitang nakita ang putla mo na, hindi naman ako tanga para hindi magalala.
Minsan naiisip ko isang malaking kalokohan lang ata lahat ng sinabi mo sakin na ayos ka lang.
Nakailang sulat na ko sayo pero wala parang nabura yata yung salitang MAHAL kita dun sa mga sulat ko o sadyang wala lang halaga ang mga yun. Ayaw mo ko mawala pero ikaw naman ang nawawala. Habang buhay nalang ba tayong ganito parang tubig at langis?
Hindi mo ba napapansin hindi na ko lumalapit sayo? Paano ba naman kasi andito lang ako pero parang ang layo layo na natin sa isat isa, ikaw hindi ka naman masama nung nakilala kita eh bakit ngayon ang sama sama mo na?
Siguro ayaw mo ko masaktan kaya may mga bagay kang di mo masabi pero sana malaman mo may mga bagay din na lalung di mo sabihin lalong mas nakakasakit. Kung ayaw mo na sa sitwasyon nating dalawa utang na loob isigaw mo na! Mas masakit lang na nagmumuka akong sirang palangana na lagi kang sinasalo pero ako hindi mo man lang mahawakan.
Kung hindi ka na masaya sakin umalis ka na lang humanap ka na ng ibang magpapasaya sayo dahil ako kaya kong dalhin ang sarili ko kapag iniwan ako pero ikaw hindi pa nga nagsisimula ang laban sumusuko ka na.
Hindi ako magpapaalam sayo dahil hindi pa naman dapat. Wala akong problema kahit na
matagalan pa ang panahon para satin dahil steady lang ako trabaho ko lang ang hintayin ka kung ako ang pipiliin mo pero kung ganyan ka na ngayon pa lang kung patuloy mo ipapakita sakin na mahina ka baka hindi ko matupad ang sinabi ko sayo.
Sana maisip mo ang magiging kapalit ng mga desisyon mo, sana isipin mong mabuti na lahat tayo dito sa mundo ay nakikipaglaro at kung ayaw mong mawalan o matalo sa larong ito sana bawat sagot o hakbang mo ay pinagisipan at pinagaralan mo.
No comments:
Post a Comment