Thursday, March 4, 2010

Lipana ng Aklat

Bigla kong naisip ano kaya kung magbenta ako ng libro gamit ang modernong teknolohiya. Nauuso naman ang pagbebenta ng mga nagamit o napaglumaan ng libro sa ebay kagaya nong mga naipon kong libro nang mga likhang isip na kwento at yung mga libro naman na maaring idonate sa mga paaralan gaya ng teksbuk ay idodonate ko naman sa mga nangangailangan.


Ano kaya noh pagaralan ko nga kaya na gawing negosyo ang pagbebenta ng libro hindi naman kasi ako yung tipong pag nag basa eh uulit ulitin ko ang kwento pwera na lang kung talaga paborito ko ang nag akda ng libro at yung kwento. Nakaipon narin kasi ako ng mga libro at natatambak lang naman sa kwarto matapos kong basahin siguro para sa iba maganda yung mayroon kang isang kwartong puno ng libro (pangyabang din sa bisita yun na mahilig kang magbasa o di kaya namay para may pang aliw at pangpahiram ka sa mga bagong nakikilalang kaibigan) oo ngat panandaliang libangan ang maihahatid ng mga kwento ng bawat libro ngunit kung hindi rin naman ito mamamementena ay malamang makaipon na rin ako ng alikabok na sumisiksik sa bawat pahina di ba?

Bukod sa lumiliit ang espasyo na mapaglalagyan ko ng libro ay wala narin akong mapaglalagyan ng mga bagong librong nabili ko kaya mas makabubuti narin sigurong pakawalan ko na ang mga pinakatabi tabi kong mga aklat.

Kikita na bawas kalat pa diba...

Pagaaralan ko muna kung paano ko maibebenta ang mga libro at ibabalita ko sa inyo kapag nabuo ko na ang aking magiging tindahan. :) Abangan nyo!

No comments:

Post a Comment