Saturday, February 27, 2010

Ang Halik Ni JLC


Ang sarap humalik ni John Lloyd!

Yan ang napuna namin ng kasama ko pagkatapos naming panoorin sa sinehan ang pelikula ni JLC at Bea Alonzo. Wala lang ikaw ba naman ang halikan nang ganoong ka pasyoneyt at ka romantiko ewan ko nalang kung di ka pa mainlab. Sa panahon ata ngayon wala nga ganun eh yung halik na mararamdaman mo talaga na mahal ka ng taong kahalikan mo, yun bang halik na may madyik yung tipong pil na pil ang bawat paglalapat ng inyong labi. Hay ang sarap nung alam mo pag hinalikan mo yung taong yun at pag gumanti ka rin ng halik eh hindi parang hinalikan ka lang dahil gusto niyang may maganap na mas higit pa roon kundi dahil hinalikan ka upang maipadama na kahit walang kung ano mang mangyari ay talaga lang nagaalab ang pagmamahal niya sayo.

Kaya siguro maraming nahuhumaling kay JLC, kasi bukod sa napakagaling niyang umarte eh kayang kaya niya ipakita kahit na umaarte lang siya na mahal na mahal niya ang kapareha niya. Sana lang napanuod mo rin yung pelikula niya sa sinehan para makita mo ang tinutukoy kong eksena.

No comments:

Post a Comment