Monday, March 15, 2010

Unat huling Mani... Manibela



Unang beses ko humawak ng manibela nung bata pa ako naalala ko pinagbigyang lang ako ng tatay ko pumindot ng busina. Tuwang tuwa ako kasi tumutunog, akala ko laruan pero shempre maliit lang kamay ko di ko maabot yung manibela di ko maiikot kaya yun wala paring kontrol pero di ko malilimutan na isa yun sa pinakamasaya kong alaala. Ang sumunod na dun isa e di pormal na pagaaral ng pagmamaneho gamit yung wrangler naming walang bubong ang tatay ko rin ang nagtuturo kasama yung aso namin.

Hayskul na yata ako nun eh fourth year wala lang nakumbinse ko ang tatay ko na turuan ako magmaneho. Gustong gusto ko talagang matuto eh kaya nung pumayag siya ay talaga namang di maipinta ang ngiti ko sobrang saya kung pwede nga lang eh di na natapos ang araw na yon. Bago pa man ang araw na yon di ko na mabilang kung ilang beses na ba ko nangarap magkaron ng sariling kotse. Ilang ulit na nga kayang sumagi sa imahinasyon ko na balang araw matututo akong pumunta sa mga lugar na gustong gusto kong puntahang magisa habang nakikinig sa mga pangarerang tugtog na bumabalot sa kotseng minamaneho ko. Kaso lang hindi na naulit ang araw na yon kasi ang bigat daw ng paa ko at malamang daw eh magiging kaskasera ako kasi mainitin ang ulo ko (pero hindi mas mainipin lang talaga ang tatay ko.

Kailan man hindi mawawala sa isip ko na kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ang una kong bibilhin pag naging milyonaryo na ako ay sarili kong kotse. Kulay pula at naka lowered itsurang pangarera pero hindi. Tapos sa likod may woofer na magpapatugtog ng mga kantang pang pagana sa pagmamaneho. Mainam. Kung mas papalarin pa at magkatotoo man ang pangarap ko ayos na ko sa simpleng kotse kahit pa segunda mano basta gumagana ng maayos at hindi bulok.

Inaasam ko talagang matuto magmaneho kaya sa twing naalala ko yung kantang gusto kong matutong magdrive eh di ko maiwasang mapakanta. Umabot pa nga sa puntong pumunta ako sa paaralang para sa pagmamaneho. Yun nga lang mahal pala mag aral sa ganung eskwelahan kayat pinagiipunan ko pa. Hindi naman sa desperado na ano pero yun ang gusto ko eh kahit ba wala pa kong wilz eh ano ngayon kahit bayaran ko pa ang limang oras sa harap ng manibela basta maranasan ko lang magmaneho.

Nung huling beses ko kinulit si Tatay para paturuan ako o turuan nya ako ang sabi nya lang hindi na pwde kasi malabo ang mata ko. Sa isip ko, bakit hindi kaya nga may salamin eh meron ngang iba mas malabo pa sa mata ko nakakapagmaneho sa highway pa.
Sinabi ko namang magmamaneho lang ako pag may araw, dahil pag gabi ayoko baka may makasabay akong multo.Hindi na ko kumontra kasi baka magalit pa alam ko rin namang may vertigo ako kaya lalo lang hindi pupupwede. Masakit lang kasi yun na nga lang parang mahirap pang sungkitin. Wala namang remejo kundi sige okay lang.

Sa kasalukuyan nakahanap ako ng solusyon para maaliw kahit hindi ako ang nagmamaneho, nagdownload ako ng mga kantang tinatawag kong drive songs sa twing nasa daan ako at nagmamaneho yung tsuper naming parang galit sa trapik sinasabayan ko nalang nang pakikining sa mp3 ko, ayun pakiramdam ko ako na ang may dala nung kotse. Solb na yun hindi na masyadong malakas ang pagatungal ng pangarap kong maglagalag habang nakahawak sa manibela.

No comments:

Post a Comment