Da attak of jejemons!
Ano ang jejemons?
Jejemons ang tawag sa mga nilalang na akala mo e sinapian ng kaluluwa ng mga alien mula sa kung saang daidig. Malalaman mo agad na isa siyang jejemon kapag ang paraan ng pagtext nya sayo ay para kang bumalik sa pagkagrade wan dahil sa bagal na pagbasa mo sa tinext nya.
Kapag ang text nya ay maarte at kapag ginagamit ang mga letrang di naman kadalasang ginagamit kagaya ng titik u at q. Minsan pay dinadagdagan o di kayay iniiba ang mga letra ng isang salita. Kagaya ng salitang sobra normal at ordinaryo ito sa ating mga anti jejemons pero sa kanila eto ang espeling ng sobra. suobwah kaya pag binasa mo nagiging sobwah imbes na sobra. Pinaltan ng w ang r at dinagdagan ng h sa huli.
simple pa nga yan kung tutuusin dahil may mas malala pa jan.
vhukh3t kaqh phou vah nuhahuhzhuur xqah kh3iyN?
kapag naintindihan mo yan isa kang kapanalig ng mga jejemons! Congratulations!
Isa pang nakakabanas na katangian ng mga jejemons ang pagtawa nila, dahil hindi sila tumatawa na gaya ng normal na hahaha o hehehe, sa kanila jejeje ang uso. Parang di ko ata maimagine kung tatawa ko tas djedjedje ang tawa ko, mashadong maeffort.
Pano kaya pag binasa ni Ruffa Mae ang wika ng mga jejemons? Nako panigurado nang dudugo ang ilong ko sa pag intindi.
ghuztuoh muh phouh vhahnG mhuhgh3ng dhedyemhunz? yhuo whiiell vh33h yhin phuwhamyiz!
shete! natatanga na ko magsulat palang ng wika nila. Hindi talaga ko uobra sa powers ng mga mahaderang kire na mga jejemons at di ko narin aambisyunin pa ever. Piling siguro ng mga jejemons e kaya nilang lumebel sa mga kyut na pokemons. Pwes! dun sila nagkakamali dahil nakakabanas marinig ang lenguwahe nila buti pa nga si pikachu pika pika lang sinasabe. Simple pero kyut at hindi trying hard. hahahaha!
No comments:
Post a Comment