Kung isa akong senador narito ang talaan ng mga batas na nais kong ipatupad.
1. Maglalaan ng tig isang oras para sa balitang ipinalalabas twing gabi, ang unang isang oras ay puro bad news lamang at ang natitirang isang oras ay para sa good news. Upang maiwasan ang bangungot at di magandang tulog ipapalabas ang good news sa gabi oras ng pagtulog para bago matulog lahat tayo ay may baong ngiti.
2. Sa industriya ng pelikula, sa buong taon dapat mas maraming indie at comedy films ang maipalabas. Kalahati ng kikitain ay idodonate sa pagpapagawa ng charity hospitals. Ang direktor,crew at artista ng pelikulang magwawagi ng pinakamagaling na parangal ay bibigyan ng pagkilala at dalawang linggo hanggang isang buwang bakasyon.
3. Bawat munisipalidad ay obligatong magkaroon ng mini forest. Tataniman ito ng mga iba't ibang uri ng puno at halaman. Ang pinakamabunga at mapunong mini forest ang magiging batayan upang ang munisipalidad ay pagkakalooban ng karagdagang budget na laan sa mga programang pangkapaligiran o turismo.
3.1 Ang gilid ng mga expressway ay dapat ding mayroong mga puno. Ipagbabawal ang pagputol ng puno sa halip ay hugutin ito mula sa ugat at itanim sa lugar kung saan ito nais ilagay. Ang sino mang mahuling lumalabag ay pagtatanimin ng isang libong puno.
4. Isang beses isang linggo magkakaroon ng brownout. Ito ay bilang pagtugon sa earth hour. Isang buong araw na walang kuryente mahigpit na ipinagbabawal ang walang abisong brown out. Apat na beses isang buwan, hindi na masama lalo na kung makakatulong mabawasan ang global warming.
5. Palalakasin ang enerhiya at krudo na mula sa biofuel. Dapat lahat ng pribadong at gasulinahan ay mayroong biofuel section. Magkakaroon ng incentives ang mga motoristang malimit magpakarga ng biofuel, may libreng rasyon ng buko sa isang taon. Bawas polusyon na healthy din ang motorista.
6. Bawal mag rally, sa halip ay magtatalaga ng online site kung saan lahat ng nais sabihin ng rallyista ay maaring isambulat online. Bukod sa malawak na sakop ng internet, iwas gulo pa dahil hindi na sila matetear gas o mababatuta. Ngunit dapat kumuha muna ng online permit.
Kung ganito ang mga batas natin baka sakaling maging mas maayos at umusad ang ating bansa nakatulong pa sa pagbuti ng kalikasan at kalusugan. Di ba? Aminin mo simple ang mga batas ko pero eto ang kelangan natin.
No comments:
Post a Comment