Sunday, February 14, 2010

Ang salamat at Ang paalam

May dalawang salita ang mahirap kung bigkasin, una ang wika ng paalam at pangalawa ang wika ng pasasalamat. Unahin ko muna ang wika na pasasalamat, hindi dahil sa masama ako kundi dahil para sa akin ang pag wika nito ay mistulang paglalagay ng tuldok sa mga mabubuting gawi, ang salamat nang nagbabadyang paalam mula sa mga taong malapit sa akin mahirap para sakin ang usalin ang salitang iyon dahil maari yun na pala ang umpisa ng maraming pagbabago o kung anu mang kaganapang di nasusulat sa kwento ng aking buhay.

Ang salita ng paalam, ito ang ni sa hinagap ay di ko na magustuhan. Ilang beses na nito akong sinubukan, at sa bawat paalam ay may ilang beses,tao at kaganapan parin ang sakin ay di sadyang maaring kunin. Pinakamabisang pangontra naman sa magandang araw ko ang pag sambit nino man ng salitang paalam habang akoy nagsisimula palang bumangon mula sa mahimbing na tulog.

Kumbaga mas madali pa ngang humingi ng tawad kumpara sa makarinig at mabangit ang mga salitang ito. Di nga bat mas masarap sabihin na lamang ang katagang mahal kita, kesa sa mga una kong nabangit?

No comments:

Post a Comment