Ang rosas duon sa hardin
Na kay pula pa man din
Ngayoy tuyot at pumanaw na rin
Mistulang kabahagi yaring puso
Pumusyaw na ang kulay
Yaong pagtimtim ng langit
Biglang ulay bumuhos
Tigang na lupang nabuhayan muli
Ngunit hindi yaring pusong ni minsay di ka na waglit
At ng iyong iniwan
Lahat ng alaala ay naitapon katulad ng umawas na basong
Puno ng mapaklang luha
Hindi man lamang lumaban o dili kaya'y mahusay na nagpaalam
Wag kang bumalik pa sana
Sambit ng maputla ng labi
Pagkat daplis na lamang ang
Panahong mapagsasaluhan kung sakaling magawi kang muli
Yaong pulang rosas duon sa hardin
Sa kamay nya ng malamig ay humihimbing
Paalam na nga ba sa pag mamahal na ninakaw na ng lumipas kahapon
No comments:
Post a Comment