Wala lang nawindang ako kanina pano ba naman excited ang lola mong bumoto sa kauna unahang pagkakataon tapos pag tingin ko dun sa Comelec Precinct Finder di ko nakita ang hinahanap ko. As in dismayado ako kasi kelangan ko pang bumisita sa Comelec na pinagrehistruhan ko para lang i verify kung isa na talaga akong rehistradong botante. Aba ayaw ko yatang mabawasan ng boto ang mga kandidatong pinagplanuhan kong ilagay sa pwesto noh.
Kaya nga sa net ko nalang hinanap para iwas hassle sus eh lalo pa yata ako mahahassle nito eh... mabuti nalang may ilang araw pa bago yung talagang botohan. Aba aba ang hirap yatang pumila sa kainitan ng panahon para lang mahanap ang pangalan sa listahan at ng makaboto.
Tapos sa maliit na sakripisyo mong yun mauuwi lang pala ang lahat sa wala dahil hindi pala ikaw registered voter, o di kaya naman kung makaboto ka man malas nalang pag di nanalo ang manok mong presidentiable sayang naman yung boto mo diba...
Well, hindi naman siguro sayang dahil natalo o di ka nakaboto kundi sayang dahil ang isang pagkakataon mo upang mabago ang kapalaran ng pilipinas ay nawala dahil lang sa kapalpakan ng sistema ng Comelec o nang kung sino man. Tapos ang kapal pa natin humingi ng pagbabago eh kung yung sarili ngang sistema sa loob ng departamento mahirap baguhin pagbabago pa ng buong pilipinas kaya tapos madalian pa...
Ano ka hilo?
Mas masaya siguro maging botante kung wala ka nga duda sa sistema ng politika sa pilipinas o sa uri o pamamaraan ng pagboto na hindi dinaya o dadayain. Yun bang ang boto ay isang piraso nang kapangyarihan na walang sino man ang makakaagaw sa iyong mga kamay. Pero kung bawat botante dadaan sa proseso kung saan ang pagdududa, pagkayamot, pagsasawalang bahala at patuloy na pag yurak sa moralidad ng bawat kandidato ang nangingibabaw ay sha goodluck nalang sa republika ni juan.
Gusto kong bumoto, nagawa ko na ang parte ko... ang magparehistro... sana magawa rin ng Comelec ang kanilang trabaho upang di naman masayang ang karapatan, pagkakataon at panahon kong bumoto ng ayon sa aking napupusuan. Gusto kong ilagay ang pilipinas sa mapa nang pagbabago ngunit pano ito magiging ganap kung sa listahan ng botante ang pangalan ko'y nawawala.
No comments:
Post a Comment