Bakit ba hindi ka nagsisimba? Lagi nalang akong natatanong tungkol sa hindi ko pagsimba, meron talaga kasing mga simbahan na hindi ako komporme makinig ng salita ng Diyos. O dahil iba lang talaga ang feeling ng nagsisimba ka simbahang panatag ka ang iyong feeling. Katulad nalang ng simbahan na madalas kong puntahan kapag kelangan ko ng tulong ni Bro. Pag kelangan ng sandalan sa mga oras na panay panay ang banat ng kamalasan. Dito sa lugar na ito ligtas, tahimik at panatag ang aking mundo. Kaya naman masarap talagang balik balikan.
Ito ang paborito kong simbahan ang Our Lady of Mt. Carmel na matatagpuan sa Lipa, Batangas. Dito rin naganap ang misteryosong Pag Ulan ng Talulot ng Rosas matapos ang World War II. Sinasabing nakaguhit mula sa Talulot ng rosas ang Birheng Maria. Marami ang naniwala na isa itong himala. Simula nuon ay madalas na ang pagbisita ng mga Katoliko sa simbahang ito.
Sa personal na aspeto naging paborito ko ang lugar na ito sapagkat sa maraming beses ng aking kalungkutan at mabibigat na pagsubok, ang una kong desisyon ay sumangguni sa lugar na ito. Hindi naman ako nabibigo dahil kung anong bigat ng loob ko sa twing pupunta ako rito ay siya namang gaan pag labas ko sa simbahan. Madalas pa nga ay dito ko sadyang nakakapulong ang Diyos ng masinsinan wala kasing tahimik ang lugar na nagpapadagdag lalo sa kabanalan nito. Narito rin ang imahe ng Our Lady of Mediatrix of All Grace na karaniwan nang dinadayo ng mga deboto.
Kung buhat sa Lipa ay sasadyain mo ang magagandang beach sa Laiya, mauuna mong madadaanan ang Our Lady of Mt. Carmel Church. Pagsapit ng Antipolo del Norte sa Torres St. katapat ng Lipa Grill kapat na mismo ang Our Lady of Mt. Carmel. Inirerekomenda ko ang lugar na ito sa mga nais magnilay nilay at makipagusap ng masinsininan kay Bro.
No comments:
Post a Comment