Kung boboto ka ng presidente dapat pa bang isailalim siya sa isang psychiatric test?
Sa aking pananaw wala naman sigurong masama kung lahat ng kandidato eh kumuha ng psychiatric test, maaari pa ngang makatulong ang resulta niyon upang makapag desisyong mabuti ang mga botante ng karapatdapat ilulok sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Kaya ayos lang kung hamunin ni Villar si Aquino na magpa test. Tutal parehas naman ang processong pagdadaanan nila, isama pa riyan ang ibang presidentiables para pantay pantay at walang lamangan.
Nararapat lamang na maging bukas sa mga ganitong pagpapatunay ang sino mang nagnanais na manungkulan sa pagkapangulo dahil sa anim na taon sa kanya nakasalalay ang kalalagyan ng bansa natin.
Sana nga isinama narin ng comelec bilang requirements ang pagkuha ng psychiatric test sa lahat ng kakandidato tatlong buwan bago ang halalan, malay natin baka maiwasan pa natin magkaroon ng mga pinunong mala hitler o yung mga nasa extremities ang ugali kapag lumabas ang resulta ng test na kinuha nila.
Kung gusto talaga natin ng patas,transparent,malinis at walang bahid ng dudang halalan dapat muna nating igisa nang mabuti ang mga nangangarap na magsilbi sa bayan sa pagtuklas ng mabuti at masamang katangian ng bawat isa.
Mahalaga ring hindi lamang batayan ang pag angat sa survey, pagiging sikat o kilala,mayaman o mahirap,luma o baguhan kundi ang kakayanan mismo ng kandidatong maging totoo sa kanyang sarili.
Wala naman sigurong ikakasama kung maging matalino at sigurista tayo bilang responsableng mamamayan na naghahangad ng pagbabago.
No comments:
Post a Comment