Di maaring itangi ang magandang epekto ang paggamit ng mahiwagang kwaderno. Kung saan bawat isinusulat na salita ay nagiging bahagi nang kung anu man ang kasalukuyang kalagayan ng isip. Nasasalamin ang mga bagay na hindi nakikita ng mata at hindi kayang wikain ng labi. Mahiwaga sapagkat kaya nitong paghilumin ang sugat ng nakaraan. Kaya rin nitong halinhinan ang katungkulan ng kaibigan ang pinagkaiba lang ang mahiwagang kwaderno hindi nagrereklamo kapag ginamit samantalang ang kaibigan makikipagamitan din sayo o kayay sa huli ay susumbatan ka ng iyong mga pagkukulang.
Pansamantalang iniwan ko ang mundo ng pagsulat nagbakasakaling makahahanap ng kaibigang masasandalan pati narin ang maabot ang realidad sa mga pangarap na sa pahina ng kwaderno ko lamang naitatala.
Nang minsay nagkaron ng pagsubok sa aking buhay, wala akong mapagsabihan ng nararamdamang kalungkutan ang nanatiling matatag na sandigan ko lamang ay walang iba kundi ang mahiwagang kwaderno. Unti unti hanggang sa muli kong maibangon ang sarili, mula sa mahina ay tumalas ang pagbulas ng emosyon.
Sandata kung ituring ng mga manunulat ang kwaderno, dito nabubuo ang payak na pangarap, humuhupang galit, sawing pag ibig, mailap na kaligayahan. Kung walang masusulatan malulusaw nalang sa hangin ang mga magagandang alaala pati ang boses at opinyon na dapat ay makarating sa paroroonan.
Kung kaya naman sa muling pagtahak ng panibagong mundo buong galak kong isasama sa paglalakbay ang aking pinakamamahal na kwaderno.
Sa tulad kong walang masyadong kaibigan, isang kwaderno lang ang katapat.
No comments:
Post a Comment