Sa ganitong paraan ko nais ibukas ang aking mga mata, yun bang sa pag dilat nito ay ikaw ang unang makikita nakangiti habang nakayakap sa akin at sa gabi alam kong ikaw parin ang huling masisilayan. Sa ganitong paraan ko nais magsimula at matapos ang aking umaga, kung saan ipagluluto kita nang iyong paboritong ulam o di kaya’y aayusin ang kwelyo ng iyong damit bago pumasok sa trabaho at sa gabi naman ay hahaplusin ang mga pagod mong kamay at paa. Maglalambing na kung maari bang ikwento ang kaganapan sa iyong buhay habang ako namay abalang nagliligpit ng ating pinagkainan. Sa ganitong paraan nabubuhay ako araw araw… Sa ganitong pag asa nagkakaroon ng saysay ang pananatili ko sa buhay mo. Dahil araw araw ipinipikit ko ang aking mga mata upang bigyang daan ang mga pangarap na kasama ka.
Ang tahanan natin ay puno nang pagmamahalan kahit na itoy simpleng kahon na nilagyan ng mga di kamahalang kasangkapan, ang mahalaga naman ay masaya ang mga tao sa loob nito. Simpleng buhay sa piling mo at ng ilang malalapit sa atin. Sino nga naman ba ang hindi liligaya sa ganito kasarap na pangarap?
Ganito ko gusto simulan ang aking hinaharap. Simple at malayong malayo sa maluho, magulo at sanga sanga kong buhay ngayon. Ganito sana ang pangarap na nais kong gawing realidad. Sana nga ay makasama kita sa pag buo ng mga pangarap na ito.
At sa bawat piraso ng problemang pagdadaanan ay pagsisikapang resolbahin sa mabuting usapa ng may malawak na espasyong nakalaan sa pag unawa at pag intindi upang pakinggan ang reklamo ng bawat isa, dahil ang kawalan ng problema ay isang malaking kalokohan. Sa pagtatapos ng bawat argumento ay hahawakan mo ang aking kamay upang garantiyahan na hindi mo ako iiwan.
Yayakapin naman kita ng mahigpit dahil siguradong hindi ko mapipigil ang pagpatak ng aking luha buhat sa impit ng naipong sama ng loob. At patuloy lang…
Patuloy parin ang ating pagmamahalan. Ganito ang pangarap ko.
Minsan may isang babae ang nagtanong kung ano raw ang pangarap ko at nang matapos akong sagutin ang katanungan niya at sinundan niya itong muli ng isa pang tanong…
Tingin mo ba ay possibleng mangyari ang pangarap mo?
(Buntong hininga lang ang aking isinagot)
Wag mo nang sagutin… Wag kang magalala malalaman mo din ang sagot sa tanong ko sa takdang panahon.
(Big Sister ikaw ba yan??)
E tae talagang inlababo nga ako, wala nga sigurong pag asa ang pangarap ko at hindi naman siguro masama diba? Nagmamahal lang ako eh,malay ko kasing hindi na pala uubra ang magic spell ko, malay ko bang hanggang kanto nalang pala ko pwedeng mag abang, malay ko ba kasing may nakareserba na sa puso niya. Masakit kaya yun. Buti na nga lang libre ang mangarap at sky is the limit. Kaya pwede ba Big Sister, paubaya mo na sakin ang pangarap ko?
___________@*@!_*#S^%(_!
Bea wag mong iwan si John Lloyd…
Parang nagflashback sa utak ko yung popoy and basha, shet ang sakit… ganun nga ba talaga? Minsan naghihiwalay kayo dahil hindi na talaga maayos ang gusot kahit na sa unang tingin wala naman talagang gusot. Empty space lang. Empty void na galing sa malungkot at malalim na katahimikan. Pero talagang dun ako nasapol sa eksena ni Allan at Mia ang sakit dahil may pagpipilian kung bibitaw ka para hindi ka makasira sa iba at dahil alam mong mali o kung ipapaglaban mo kasi mahal na mahal mo.
Inuulan yung unan ko twing gabi kasi iniisip ko kung susuko na ba ko dahil ayaw na ng puso ko o dahil ayaw na ni John Lloyd ko? Kawawang puso sugatan na pagod pa, magsisix years na nga sa ICU pero wala parin para lang talagang naghihintay na sintensyahan kung mabubuhay pa o mamamatay na ng tuluyan. At sa dinami dami nang pwedeng mangyari sa loob ng ilang taong pagiging single nauuwi parin talaga sa iisang John Lloyd. (yun talaga ang matindi ang tama)
Pero sa realidad, hindi naman talaga sila (mia and allan) tunay na nagsusuyuan, dahil inaarte lang nila ang pagmamahalan nila sa pelikula at napakalaking kaibahan nun sa buhay ko… dahil ako hindi ako umaarte, nararamdaman ko talaga na nangyayari rin sakin ang sitwasyon nila. Hindi nga lang yung parte na kung saan nahulaan na sa ending sila parin ang magkakatuluyan, kung hindi sila bibitaw dahil maraming pagsubok ang mangyayari.
___________)*6(^!@$#^$@
Ikaw rin naman kasi umaasa ka pa e alam mo nang wala ng pag asa. Tanga ka rin ano?!
Bakit ba? Ako naman ang naiyak hindi ikaw (Sumisinga sa tissue, kuha ulit pampunas ng luha)
E konsern lang kami sayo bruhilda ka! Iiyak ka nanaman magseself destruct ka nanaman?!
Ang masama kung pag balik ko kalbo na ko, pwede ba san ka ba nakatala ng buy and sell na pagmamahal, e yaan mo siya kung anong trip nya, kaya nga di ko na tinatanong di ba? Kaya nga yoko na tanungin…
Kasi alam mong masasaktan ka, alam mong hindi ikaw ang original choice.
Atleast hindi ako lady’s choice (singa ulit, dugo ulit ang ilong)
~~~~~~~~~~~~~~~~…
San na kaya napunta yung mga paroparo sa tiyan ko, dati madalas sila sa tiyan ko lalo na kapag nakikita ko siya, bakit ngayon kahit nginig wala? Sanay na kaya ako? O nabuking na ko ng mga paroparo at naghanap na ng ibang bibiktimahin.
(Angel: Kasi nagising ka na sa katotohanan na hindi talaga kayo meant to be
(Devil: Hala ka! Manhid ka na! Congrrrrratulations!!!! Bwahahahaha!
(Ako: Mahal pa kaya niya ako? May epekto parin kaya ako sa kanya?
(Angel: Siguro, hindi ka naman niya dadalawin kung wala na siyang pakialam sa yo diba? Siya lang makakasagot niyan…
(Devil: Tanga! Mahal nga daw eh bakit pakialam ang sinasabi mo dyan! Wala hindi ka na mahal nun iisa lang mahal nun at hindi ikaw yun kahit kailan hindi magiging ikaw Bwahahahaha!
(Ako: Hay pano ba to??
Pinatay na ang ilaw sa kwarto at pinilit matulog.
(sa langit wala ng beer, sa langit wala ng beer) lo, ano ba tulungan mo naman ako dito… nagiging sutil nanaman ako…
Ang liriko ng kantang sabihin, kinanta ni Zelle
# Bakit wala ka pa? Kasama ka’y parang nagiisa pangakong nagmamamahal aalis ka rin pala
# Sabihin mo na kung babalik ka pa para di na maghintay, sabihin mo na kung aayaw ka na para lang # malaman ko
# Naririnig mo ba ako? Sigaw ko bay walang tinig? Nakaya kong walang imik naririnig naman ako…
# Sabihin mo na kung babalik ka pa para di na maghintay, sabihin mo na kung aayaw ka na para lang # malaman ko
# Iiyak nalang, iiyak nalang
# Bakit wala ka pa naririnig naman ako
# Sabihin mo na kung babalik ka pa para di na maghintay, sabihin mo na kung aayaw ka na para lang # malaman ko
Naman yan ang theme song nang mga sawi… and thank God, hindi ko pa naman inaaraw araw ang pagpapatugtog ng kantang yan,minsan sa isang linggo lang.
Minsan talaga naririnig ka pero kunwari hindi, tinatanung mo pero para talagang napuno ng earwax ang tenga nya o nabingi lang talaga sa kakaaraw araw na may nakapasak na earphone sa tenga nya, pero ang mas malala dun, hindi ka naririnig kasi sinasadya. Para nga naman hindi na kelangan sagutin ang tanong, dedma nalang. At wag ka, napaka hirap kaya kapag ang tanong ay BAKIT?
Bakit? Kasi itinext mo nat lahat, may load naman pero wala paring sagot.
IMBYERNA.
One day sa Market Market nabasa ko sa isang t shirt na minomodel nang gwapong fafa…
ANG TUNAY NA LALAKE HINDI NAGREREPLY SA TEXT.
(in my mind, ang tunay na lalaki hindi duwag sumagot sa text! CHE!) ahem bitterness…
Tiyak pag nabasa niya to (tiyak naman kasi siya ang magpiprint) iisipin niya na iiwan ko na siya.
Walang garantiya dahil gaya ng sabi nya alam niyang pagod na pagod na daw ako. Alam naman pala niya eh pero eto lang ang sagot ko diyan.
Pagod nga, pero kung gaano kahigpit ang hawak mo sa kanya kahit na alam naman nating dalawa na pagod na pagod ka na rin sa kanya eh ganun din kahigpit ang hawak ko sayo. Pasensyahan nalang dahil hindi ako basta basta ng iiwan, kagaya mo, hindi mo rin pwedeng iwan ang taong mahal mo diba? At kung ito ay isang malaking laro isa lang masasabi ko, patas lang tayo.
Naglalaro ka ba?
Ako kasi hinde. Sabi nila ang maunang mainlove talo… does it mean na LOSER na ko?
I don’t think so…
Hindi napipili ang taong mamahalin habang buhay, pero napipili ang taong pwedeng pakasalan at pangakuan ng kung ano ano… malas malas nalang kapag ang minamahal mo ay hindi na pwedeng mahalin. (GETS?)
Malas nalang kasi nagkakilala tayo, late na ko at yung status ko sa buhay eh sanga sanga na hindi maipinta, pero maniwala ka, mas gugustuhin ko pa ang simpleng tahimik na buhay na masaya naman kesa sa buhay na hindi ko alam kung sang kalsada dumadaan, madaming lubak at liko.
~~~~~~~~~~~~~~@@@ bundok ng tralala
One time natrapik ako, nakihiram ako ng linya, ginamit ko sa magulang ko testing lang naman,
San ka galing?
(Mejo asar kasi hirap buksan nung gate) Sa bundok ng tralala (binagsak ang bag)
San yon?
(HAGALPAK NG TAWA!) Punyemas natawa talaga ako, akalain mo may kumagat sa sinabi ko! (tapos naalala ko kita)
Pag akyat, diretso sa banyo sabay buhos ng malamig na tubig… siyempre iyak na ang kasunod… miss na kasi kita… sobrang miss na kita…
Sa bawat tawa na nagagawa ko, may kasunod na luha yun, una kasi ang sarap tumawa lalo na kapag minsan mo lang ito nagagawa, pangalawa dahil ayoko maging masyadong masaya baka biglang may pumalit na kalungkutan... :(
At hindi ko alam kung pano pupunta sa bundok ng tralala para magtago.
>>>>>>>>>>>>> keyk<<<<<<<<<<<<<<<
Hindi ako mahilig sa sorpresa, pero mahilig akong mang sorpresa… pero madalas nauudlot dahil hindi ko agad natatapos ang materyales sa sorpresang pinaplano ko,
Magkasama kami, actually bisperas talaga ng birthday nya yun, gumala kami sa sariling mundo namin, kapatid ng bundok tralala yung pinuntahan namin, eto ang siste
Bibili ako ng isa o dalawang pirasong kupkeyk at isang kandilang maliit (yung pang lagay sa keyk). Wala na kasing oras bumili pa ng keyk dahil maaga ang lakad namin at mejo gahol pa sa oras at mas romantik kung ganun ang gagawin ko… kaso nabulilyaso eh. Sa kaasaran tanghali na wala pa akong mahanap na kandilang maliit alangan namang bumili ako ng napakalaking kandilang liwanag diba pano ko bibitbitin pauwi yun?
Asar na asar ako kasi naisip ko na kung pano ko sya isosurprise tapos nauwi sa wala. Kaya sinabi ko nalang na utang muna ang gift ko kasi wala pa talaga akong maiigift sa kanya ng mga oras na yon. ZERO Balance kasi ang card ko kaya next time nalang muna. Buti nalang umuwi ako sa lugar naming kahit pano hindi ko siya basta binati lang sa text kundi nakita ko siya face to face. (tingin ko naman, nabigyan ko ng hustisya ang kaarawan niya kahit paano)
HAPPY BIRTHDAY (insert malambing na tawag here)!
~~~~~~yun lungs~~~~
Ang alamat ng tae at langaw. Ang galing mo talagang maghambing akalain mong nakuha mo pang ikumpara tayo sa tae at langaw ang tanong ngayon sino ang tae at sino ang langaw? Ako siguro yung langaw meron akong bee shades e di ba kamuka ng shades ko yung mata ng langaw??? So that means tae ka? (ewww) napakasweet mo namang tae hahahaha! pag natapakan kita yari talaga ako ng bongga hindi ko maidedeny. At sa lahat ng tae ikaw naman ang hinding hindi ko pwedeng ipagpag. (naks)
Sana lang naapreciate mo ang effort ko. (duh kung hindi pa effort ito hindi ko na alam kung anong tawag dito)
~~~ percent%
Kung maiinlab ka narin lang, siguraduhin mo ng pasok ka sa kota, dahil sabi nga ni Ricky Lee Isa sa limang tao lang ang sinuswerte na makatuluyan ang taong mahal na mahal niya. Oo, pwedeng may makatuluyan ka pero hindi mo tunay na mahal at hindi ka pasok sa kota ng pag ibig. At malamang isa ako sa apat na yon, buti pa nga si Lukas kahit paano may narating ang pagmamahal niya kay B. Kahit paano may conswelo de pagmamahal pa siya kahit palyado ang love life nya. Ako kaya? Pag 26 years old na kaya ako siya parin kaya? O mafafall out of love na kaya ako?
Sana hindi dahil marami pang pagmamahal ang natitira sakin, sayang naman kung wala akong pagbibigyan nito…
*******kwentong surot*******
Ibabala ko sa kanyon ang sama ng loob ko dahil sa masamang lasa na yon. Nabwisit ako dahil lang sa hindi ko makuha kung bakit ayaw niya ko samahan sa bayan yun pala tinamaan ka na ng masamang hangin… matapos ang ilang araw salamat dun sa yosi dahil nagkita tayo at kumain ng fried noodles… salamat dahil namiss mo ako. At sana lang hindi ako nag walk out.
At maaalala ko parin ang takot na naramdaman ko pagliban ko ng kalsada, dahil iniwan ko kita dun na nagiisa at natakot ako hindi dahil sa hindi mo ko susundan kundi dahil hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon. Anak ka ng… mahal ko yung tao bakit ko pinabayaan dun!
…(rewind)
Kahit na ba iniwan ka na nya minsan eh hindi ibig sabihin pwede mo nang gawin yun sa kanya… (patawad, hindi ko kasi kayang umiyak sa harap mo, at ayaw kong makita mong nadismaya ako)
Kung kaya ko lang buhatin lahat eh bakit kasi hindi, pero hindi ganun, bumibigay din ako at sa pagkakataong yun sana alam kong mahina ka, sana pinilit ko pang maging matigas ng konti para nasalo kita, para nahawakan kita. Dahil kung may masamang nangyari sayo nang mga oras na yon.
Alam mo na ang mangyayari sa akin.
Mag ququit ka na ba?
(ngayon,diretsang tanung ano bang sagot ang gusto mong isagot ko sa tanung mong ito?)
Inaasahan mo na yata ang pagbitaw ko, pero hindi. Sorry hindi ko pa kaya.
>>>>>>>>>>>> Move lines that inflicted me pain…<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
{quotable quote ni John Lloyd mula sa movie na one more chance}
“She love me at my WORST, You had me at my BEST, at binalewala mo lang lahat ng yon, and you choose to BREAK my heart.”
Sana hindi ko marinig ang linyang yan sa taong pinahahalagahan ko.
At sa lahat ng unforgettable quotes dun eto ang matagal ko nang gustong sabihin sa taong mahal ko.
“ipikit mo ang mga mata mo, para kung masaktan man ako, hindi mo makita.”
Tama na nga masyado ng KORNI!
***** buti nalang nakabalik pa ako.